Nadine Lustre, nanalong Best Actess sa FAMAS 2023

Pinatunayan ni Nadine Lustre ang kanyang kagalingan sa pag-acting matapos parangalan ng 2023 Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards bilang Best Actress sa pangalawang pagkakataon.

Napalanunan niya ito sa kanyang pagganap bilang Emily sa pelikulang Greed, kung saan pinakita niya ang kahinaan at lakas ng karakter.

Read More:  Lea Salonga makes history as first Filipina to receive Hollywood Walk of Fame star

Maalalang nanalo na si Lustre ng FAMAS noong 2019 para sa pelikulang Never Not Love You.

Read More:  Barbie Imperial and Richard Gutierrez spark online buzz after Instagram follow-unfollow

Samantala, nanalo namang best actor si Noel Trinidad para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 film na Family Matters.

Bukod pa rito, inuwi rin ng naturang pelikula ang Best Editing ni Beng Bandong at si Nikki Valdez bilang Best Supporting Actress.