OCD tiniyak ang tulong ng gobyerno sa pagsasaayos ng mga nasirang imprastruktura sa San Marcelino

Tiniyak ng Office of the Civil Defense na tutulong ang pamahalaan para maisaayos ang mga nasirang imprastruktura sa San Marcelino, Zambales.

Ito ay matapos ang pagbisita ni OIC-Regional Director Shelby Ruiz ng OCD Region III sa Barangay Sta. Fe at Buhawen para tingnan ang pinsala na iniwan ng Habagat.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Kasama ang mga opisyal ng bayan ay tiningnan nito ang sitwasyon ng dalawang baranggay.

Matatandaan nasa mahigit 500-million ang iniwang pinsala ng kalamidad sa bayan sa imprastruktura at agrikultura.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Sa ngayon, tuloy-tuloy ang paghahatid ng LGU ng relief goods mula sa gobyerno at pribadong sektor para sa mga residente.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: San Marcelino PIO