Fans bawal muna sa Wales vs Denmark Euro 2020 match

Hindi mapapanood nang live ng mga fans mula sa Wales at Denmark ang Euro 2020 match sa Netherlands ngayong taon.

Kasunod ito ng pagbabawal ng Amsterdam ng pagtanggap sa mga fans sa kanilang bansa dahil sa pag-iingat sa COVID-19 infections.

Read More:  Alex Eala braces for third showdown against Alycia Parks in Hong Kong Open

Sinabi ni Wales’ health minister Eluned Morgan na layon ng hakbang na mas makaiwas sa pagkakahawa ng COVID-19 ang mga tao.

Inaasahang maglalabas ng guidelines ang mga pulis sa Amsterdam para mabigyan ng gabay ang mga tao sa kanilang bagong hakbang.

Read More:  Pinoy surfer John Mark Tokong advances to Round 2 of World Surf League

Nagpahayag naman ng pagkadismaya ang mga football fans dahil hindi nila mapapanood sa venue ang kompetisyon. Inihayag ng ilang fans na tila tinatrato silang mga second-class citizen.