Committee on transportation ng konseho sa Naga City tiniyak na may prangkisa at legal ang lahat ng mga pampublikong sasakyan bibiyahe sa paparating na peñafrancia fiesta

NAGA CITY – Abala na rin ngayon ang konseho ng Naga City sa patuloy na pag-review ng mga prangkisa ng mga pampublikong sasakyan na kumakayod sa lungsod para matiyak na may sapat at tamang dokumento ang mga ito, at hindi mga illegal.

Ang mga walang matinong dokumento ay hindi papayagang mamasada dahil sisitahin at huhulihin sila ng mga otoridad.

Read More:  Two killed after fuel tanker crashes into roadside food cart in Negros Occidental

Ito ang muling inihayag sa Brigada News FM Naga ni City Councilor Omar Buenafe, Committee Chairman on Transportation sa ginagawa nilang paghahanda para sa paparating na Peñafrancia Fiesta Celebration, ngayong Setyembre.

Sa paliwanag ni Buenafe, ngayon pa lang ay binabantayan na ng mga personahe ng Public Safety Office at ng mga barangay opisyal at tanod ang mga bumibiyaheng pampasaherong sasaakyan, lalo na ang mga trimobile na pangunahing mga violators.

Read More:  Rescued Philippine eagle survives critical injuries in Bukidnon as experts find airgun pellets

Nakatakda na rin silang makipagpulong sa ibang transport groups na planong pumasok sa lungsod subalit sinabi ng opisyal na prayoridad pa rin nila ang mga taga Naga.