Sorsogon, pinakamaraming SGLG awardee sa Bicol region

Tiwala ang Department of Interior and Local Government (DILG) Sorsogon na mas maraming mga munisipyo pa sa lalawigan ang makakakuha ng Seal of Good Local Governance ngayong taon.

Sa panayam ng Brigada News sa cluster head ng nasabing ahensiya na si Leandro Gigantoca, base sa kanilang ginagawang assessment at monitoring, malaki ang potensyal ng iba pang mga LGUs na makuha ang nasabing parangal.

Read More:  2 men killed, 2 women injured in Cotabato City ambush

Unti-unti na kasii ng mga ito naaabot ang mga barometro at kwalipikasyong kinakailangan ng regional office at ang Sorsogon umano ang nangunguna sa buong rehiyon na may pinakamaraming SGLG awards.

Read More:  12 injured in BJMP prisoner transport crash in Cotabato

Nitong nakatalikod na taon, 6 na LGUs kasama ang lungsod at provincvial government ang naparangalan at posibleng madagdagan pa ito ngayong taon.

Base sa pag- aaral ng ahensya, kung matututukan ng husto at mas maalalayan pa, kaya ng  mahigit 10 pang LGU na masungkit ang SGLG award.