DPWH Region V at LGU papasok sa isang Memorandum of Agreement para sa construction ng solar water system sa bayan ng Basud

CAMARINES NORTE – Papasok sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional Office at Lokal na Pamahalaan para sa construction ng Solar Water System Level 2 sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Ito ay makaraang maaprobahan sa Sangguniang Bayan kahapon ang kahilingan ni Mayor Adrian Davoco na pumasok sa MOA ang LGU at DPWH Region V.

Sa ilalim ng kasunduan ang LGU ang magpo-provide ng lupa para sa pagtatayuan ng naturang proyekto.

Read More:  Two killed after fuel tanker crashes into roadside food cart in Negros Occidental

Kung sakali man na wala sa existing property ng LGU ay mayroon naman umanong pondo na nakapaloob sa annual budget para bumili ng panibagong lote.

Wala rin umanong magiging financial liability ang LGU dahil ang pondo para sa naturang proyekto ay mangagaling sa DPWH na tamang- tama rin ang programa sa ginagawang Basud to Lanot national road.

Read More:  Antique vlogger dies after alleged electric shock from videoke microphone

Ayon kay Councilor Pablo Ablaneda, maganda umano ito dahil magkakaroon ng magandang source ng tubig ang mga Basudeno lalo’t maraming lugar ang namomroblema sa hindi magandang serbisyo ng Primewater.

Kung maisasakatuparan aniya ang proyekto ay malaking kaginhawaan ito lalo na sa mga lugar sa naturang bayan na hindi pa inaaabot ng serbisyong patubig ng water district.