Herlene Budol, binawing magreretiro na sa beauty pageants

Binawi ni actress-beauty queen Herlene Budol ang desisyong magreretiro na ito bilang “beauconera” matapos hindi masungkit ang inaasam nitong korona sa mga nagdaang patimpalak.

Sa isang lie-detector test, tinanong si Hipon gurl kung sasali pa ba ito sa pageants, kung saan sinabi nitong “Oo ata.. Maybe.”

Read More:  Patrick Garcia breaks silence on past relationship with Jennylyn Mercado

Paliwanag nitong temporary “signing off” lang ang kanyang paalam dahil wala pang kumukuha ng franchise sa sasalihan nitong international pageant na “Miss Tourism”, matapos makuha ang koronang “Miss Philippines Tourism” noong Hulyo.

Read More:  Rere Madrid introduces first child with Kai Sotto

Saad naman ni Budol na kung saka-sakali mang ilaban siya sa international pageant ay magpapapahinga muna siya sa pagsali pagkatapos nito upang makapag-train pa nang mas mabuti.