China-professional at restrained ang pagbomba ng water canon sa PCG

Tinawag ng China na ‘professional at restrained’ ang pagbomba ng water canon ng Chinese Coast Guard (CCG) sa Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon sa Chinese foreign ministry spokesperson, propesyonal ang pagpigil ng CCG sa dalawang sasakyang pandagat ng Pilipinas.

Read More:  Cendaña warns of legal action over online attacks targeting his medical condition

Samantala, inakusahan ng militar at coast guard ng Pilipinas ang Chinese Coast Guard sa paglabag ng batas dahil pinigilan nito na makarating ang isang charter boat sa isla.

Read More:  DepEd strengthens student counseling after Zamboanga school shooting

Kung maalala, nangyari ang pagbomba ng tubig nitong Sabado habang ang PCG ay may dalang suplay ng pagkain, tubig, at gasolina sa mga Pilipinong militar na nasa Spratlys Island.