30 patay sa nadiskaril na express train sa Pakistan

Umabot na sa 30 katao ang namatay sa Southern Pakistan matapos madiskaril ang isang express train, na madalas nang mangyari dahil sa kalumaan ng sistema at riles.

Ayon kay railway minister Khawaja Saad Rafique, mahigit 1,000 pasahero ang nasa Hazara Express noong nakaruon ng aksidente kaya’t bukod sa mga nasawi, marami ring nagtamo ng pinsala.

Read More:  Thousands of migrants in Spain seek asylum amid border crisis

Nagkagulo sa Nawabshah Trauma Center habang dinadala ng mga ambulansya at pribadong sasakyan ang mga nasugatan para gamutin, kaya’t agad nagdeklara ng emergency ang mga iba pang lokal na ospital sa lugar.

Read More:  France warns of 300,000 potentially unsafe or substandard condoms

Dagdag naman ni Rafique na maaring may probelma sa makina ang tren o kaya ito ay isang sabotahe, kaya’t iimbestigahan nila ito nang mabuti. Photo from: Voice of America