APAO, patuloy ang pamamahagi ng packed dry fish sa mga bakwit ng Bulkang Mayon sa unang distrito ng lalawigan

LEGAZPI CITY – Ipinagpapatuloy ngayon ng Albay Provincial Agriculture Office (APAO) ang pamamahagi ng mga packed dry fish sa mga bakwit ng Bulkang Mayon sa unang distrito ng lalawigan.

Kasama sa pamamahagi ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bicol.

Read More:  5 NPA, underground group members surrender in Eastern Visayas

Mula umano noong Hulyo 25 hanggang ngayon, ang APAO kasama ang BFAR ay namamahagi ng samu’t saring mga produktong tuyong isda sa mga evacuees mula sa Tabaco City at Malilipot na apektado ng pagputok ng Bulkang Mayon.

Read More:  Policewoman, 3 others arrested in Davao Oriental cigarette sting

Kabilang sa mga ipinamahagi na processed fish products ay sardinas, tilapiang dinanggit, pinausukang isda, at iba pa, na ginawa sa BFAR Regional Office sa Bula, sa Camarines Sur.