Suspended Rep. Arnie Teves, gumawa ng sariling ulat sa bayan sa social media

Naglabas din ng sarili niyang bersyon ng “State of the Nation Address (SONA)” si suspended Negros Oriental 3rd district Rep. Arnolfo Teves Jr. ilang oras bago ihatid ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kaniyang ikalawang SONA.

Read More:  Senators seek review of impeachment threshold for VP Sara Duterte

Sa loob ng sampung minuto ay kwinestyon ni Teves ang mga maling hakbang na ginawa ng administrasyong Marcos ngayong taon.

Binatikos ng Kongresista ang pangako ni Pangulo Marcos na P20 na bigas noong panahon ng kampanya, ang Maharlika Investment Fund (MIF), at ang P14.1 trillion na utang ng bansa.

Read More:  Quezon City RTC issues arrest warrant vs. VP Sara Duterte

Matatandaang sinuspinde ng Kamara si Teves dahil sa “disorderly behavior” na nagresulta sa hindi pag imbita sa kaniya sa araw ng SONA.
#