Lolo, binaril sa loob ng kanilang bahay sa Lipa City, Batangas

Isa nang malamig na bangkay nang matagpuan ang matandang lalaki na hinihinalang binaril sa loob mismo ng kanilang bahay sa Purok 4, Barangay Tipacan, Lipa City, Batangas.

Kinilala ng Lipa City Police Station ang biktima na si Ingracio Mendoza y Lubang, 75-anyos, at residente nang nasabing lungsod.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, alas-7:00 ng umaga nitong July 23, 2023, nang maalimpungatan at lumabas ng kanilang kwarto ang asawa ng biktima at natagpuan sa kanilang salas ang nakahandusay na asawa.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Natagpuan naman sa tabi ng bangkay ang isang basyo ng bala ng kalibre 9mm na pinaniniwalaang ginamit ng hindi pa nakikilalang suspek.

Sa ngayon ay patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang nasa likod ng krimen.