Humigit-kumulang PHP7M, nakoleta ng SSS Bicol sa isinagawang RACE program mula 2022 – kasalukuyan

LEGAZPI CITY – Aabot sa humigit-kumulang PHP7M ang nakolekta ng Social Security System (SSS) Bicol sa isinagawang Run Against Contribution Evaders o (RACE) program kahapon, Hulyo 21.

Mula ito sa mga delinquencies sa kontribusyon ng mga employers sa kanilang mga empleyado ng naturang opisina sa buong rehiyon.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Ayon kay SSS Vice President ng Luzon Bicol Division Elenita Samblero, mula ito sa mga pinaalalahanang 150 employers sa pamamagitan ng naturang programa kung saan umabot sa 1,700 ang kabuuang apektadong mga empleyado.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Layunin ng RACE program na maipaalam at paalalahanan ang mga employers sa kanilang obligasyon sa kanilang mga tauhan.