APSEMO, nakikipag-ugnayan na sa mga international organizations upang humingi ng suporta sa paghahanda sa iba pang mga kalamidad

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) na nakikipag-ugnayan na sila sa ilang international organizations tulad ng International Organization for Migration (IOM) at United States Agency for International Development (US-AID) upang humingi ng supporta sa paghahanda hindi lamang tungkol Bulkang Mayon kundi pati na rin sa iba pang mga kalamidad.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ayon kay APSEMO Chief Dr. Cedric Daep, nakausap na niya ang dalawang nabanggit na organisasyon at sinabi umano ng mga ito na bukas-puso at nakahanda silang sumuporta sa lalawigan.

Aniya, pinag-usapan nila ang mga hakbang na gagawin bago at pagkatapos ng mga kalamidad.

Pare-parehong mga mukha at komunidad lang kasi ang nakikita nila tuwing nagkakaroon ng paglilikas, kaya’t sa paraan umanong ito, mababawasan na ang bilang ng mga populasyong inililikas dahil sa mga kalamidad at mas magiging malakas o matatag pa ang mga Albayano.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Sakop na umano nito ang lahat na uri ng mga kalamidad lalo pa’t nagkakaroon na muli ng mga pag-ulan sa lalawigan na maaaring magdulot ng lahar.