DEPED Albay, nagsasagawa na ng mga aksyon para maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga apektadong mag-aaral dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

LEGAZPI CITY – Nagsasagawa na ngayon ng mga aksyon ang Department of Education (DEPED) Albay  upang maipagpatuloy pa rin ang pag-aaral ng ng mga apektadong mag-aaral dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Hindi bababa sa 5,000 ang mga apektadong mag-aaral sa lalawigan na apektado ng bulkan.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Dahil sa mataas na bilang na ito, ang DEPED Schools Division of Albay katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan, ay patuloy na gumagawa ng mga paraan para masulosyonan ang problema ng mga mag-aaral.

Isa sa mga kinokunsidera nila bilang sulosyon ay ang pagbalik sa mga modular blended learning.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Kung matatandaan, nauna na ring sinabi ni DEPED Regional Director Gilbert Sadsad na mayroon na silang inihandang contingency plan sa mga mag-aaral at mga gurong apektado kung saan kabilang na rito ang distant learning at shifting schedule ng klase kung sakali mang lumala pa ang sitwasyon ng nasabing bulkan.