PBBM, sang-ayon na tanggalin ang pakikipag-ugnayan sa ICC

Sumang-ayon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tanggalin ang ugnayan ng Pilipinas sa International Criminal Court matapos ang pagbasura nito sa apela ng Pilipinas na itigil ang imbestiga kauganay sa isyung War on Drugs ng Duterte administration.

Read More:  Senators seek review of impeachment threshold for VP Sara Duterte

Ayon kay Solicitor-General Menardo Guevarra, natalakay nila ito ng pangulo at nagkasundo sila na ihinto ang anumang trasaksyong may kaugnayan sa ICC.

Matatandaang na una ng sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi na kinakailangan pa ng Pilipinas na makipag-usap sa ICC at pinapatigil na rin nila ang pagpunta nito sa loob ng bansa.

Read More:  Palace says Marcos had no power over Bonoan case drop

Sa ngayon, opisyal ng bumitaw ang Pilipinas sa International Criminal Court.