Gilas, nag-set na ng deadline ng training para sa FIBA World Cup

Nag-set na ng deadline si Gilas Pilipinas Head Coach Chot Reyes para sa mga manlalarong hindi pa lumalahok sa training ng team bilang preperasyon sa FIBA World Cup.

Ayon kay Reyes, inabisuhan niya ang mga ito na mag-ensayo sa July 25, kung saan kapos na rin ang team sa oras dahil isang linggo lang sila maghahanda laban sa China.

Read More:  Organizers aim to sell 50,000 tickets for Alex Eala’s Philippine Exhibition Match

Sa ngayon, sina Utah Jazz star Jordan Clarkson at 7-footer Kai Sotto na lamang ang hindi pa nakakadalo at nakakasama sa kasalukuyang pool ng Gilas na nagsimulang mag enasyo noong Hunyo.

Read More:  Juan Gomez de Liaño leads Converge’s rout of Macau with triple-double

Samantala, naiintindihan naman ni Reyes ang mga sitwasyon ng mga manlalarong hindi makakasama at sinisigurong handa silang mag-adjust ukol rito.