Nakatulong ng bahagya ang mga nararanasang pag-ulan bunsod ng Habagat at ng palabas na Bagyong Dodong, ayon sa PAGASA.
Sa panayam ng Brigada NewsFM kay PAGASA forecaster Anna Clauren, sinabi nitong bagamat malawakan ang mga nararansang pag-ulan ay hindi pa rin ito sapat para tumaas ang tubig sa mga Dam.
Sa kabila niyan, nakatulong naman ito para hindi lubusan bumaba ang tubig sa Angat Dam.
Inaasahan ng PAGASA, na isa hanggang tatlong Bagyo pa ang papasok sa bansa at kasalukuyang may binabantayang posibleng maging LPA ngunit wala pa aniya ito sa Philippine Area of Responsibility.
Samantala, hindi muna pinapayang pumalaot ang ilang mangingisda dahil sa nakataas na Gale Warning habang pinaghahanda sa malalaking alon sa dagat ang mga malalaking sasakyang pandagat.
#
READ MORE: Bagyong Dodong – palabas na ng PAR
