Rehabilitation activities sa Legazpi City, nagpapatuloy

LEGAZPI CITY – Patuloy ang pagsasagawa ng mga rehabilitation activities ng Legazpi City Engineering Office sa lungsod.

Isa sa mga rehabilitasyon ng nasabing opisina ay ang pagsasaayos ng ilang bahagi ng bubong at air conditioning unit ng Ibalong Centrum for Recreation sa Brgy. 37, Bitano ng kaparehong lungsod.

Read More:  17-year-old girl dies in drowning in Cebu as father raises foul-play concerns

Ayon kay City Engineer Noel Encinares, ang rehabilitasyon ay para sa paghahanda sa mga isasagawang mga pagtitipon at mga aktibidad sa lungsod, kung saan ICR umano ang nakikitang venue.

Binigyang-diin rin ni Encinares ang problema sa mga traffic lights sa lungsod at hindi magamit-gamit.

Read More:  Four missing after vehicle plunges into Tarlac River following Agana bridge collapse

Ito rin ay kaugna ng pagdagsa ng maraming mga tanong mula sa publiko kung bakit marami ang mga traffic lights na hindi gumagana sa lungsod.

Ayon kay Encinares, problema ito sa controller kaya’t hindi nag-ooperate ang mga traffic lights.

Nangako naman si Encinares na sosolusyunan ng kanilang opisina ang nasabing problema.