Go, kinilala ang paglagda ng Pangulo sa New Agrarian Emancipation Act

Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang ginawang pagpirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa RA 11953 o mas kilala bilang “New Agrarian Emancipation Act”.

Ayon sa Sen. Go, mababawasan ang pasanin ng nasa 600K na mga Agrarian Reform Beneficiaries o ARBs.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Makatutulong din daw ito sa pag-angat ng sector ng agrikultura dahil hindi na poproblemahin pa ng mga ARBs ang utang sa mga lupain.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Nabatid na si Go ay member ng Senate Committee on Agriculture (DA), co-sponsor at co-author ng Senate Bill No. 1850 ang senate version ng New Agrarian Emancipation Act.