Luzon Grid posibleng isailalim sa 4 na yellow alerts, dahil sa El Niño

Maagang nagbabala ang Department of Energy o DOE na posibleng makaranas ng yellow alerts ang Luzon Grid dahil sa banta ng El Niño.

Sa Laging Handa Public Briefing kanina, sinabi ni DOE Undersecretary Rowena Guevarra na batay sa kanilang power outlook, posibleng magkaroon ng isang yellow alert sa darating na ikatlong linggo ng Hulyo.

Read More:  Palace says Marcos had no power over Bonoan case drop

Habang tatlo naman sa buwan ng Agosto.

Kapag nag kulang sa generation ng power, pwede naman anya nilang paganahin ang mga ancillary services o yung mga planta na pinatatakbo ng diesel para hindi magkaroon ng brownouts.

Read More:  VP Sara Duterte posts bail after grave threats arrest warrant

Samantala, mahigpit naman ang isinagawang monitoring ng DOE sa mga hydro-electric power plants sa bansa.