Volleyball elementary boys ng Casiguran Central School, irerepresenta ang rehiyong Bicol sa Palarong Pambansa 2023

Magiging kinatawan ng lalawigan ng Sorsogon gayundin ng Rehiyong Bicol sa Palarong Pambansa 2023 ang Team ng Volleyball Boys mula sa Casiguran Central School. 

Ang koponan ay nagkampeon sa National Pre-Qualifying Meet 2023 na ginanap sa Laguna Sports Complex sa Sta. Cruz, Laguna kasunod ng kanilang dalawang beses na pagkakapanalo sa isinagawang Clustering, kung saan kanilang nakalaban ang  mga player ng Calabarzon nooong Hulyo 5 at Team ng NCR na kanilang nakatunggali kahapon July 6, 2023. 

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid
Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Lubos naman ang pasasalamat ng nasabing mga player, kanilang mga magulang at mga coach sa lahat ng mga nagtiwala sa kanila at mga nagbigay at nagpaabot ng suporta.