Kulang sa timbang at sakitin naitatala sa Barangay Health Center sa Naga City

NAGA CITY –Mahigpit ngayon ang ginagawang pagmo-monitor ng mga Barangay Healthcare Workers sa mga batang kanilang  naitatalang may problema sa kalusugan tulad ng may mababang timbang, sakitin at mga kulang din sa tamang taas.

Ang mga batang may ganitong kondisyon ay mas tinututukan ng mga BHWs na mabigyan ng atensyon medical sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga vitamins, at laging benipisyaryo ng feeding program sa barangay.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Nakausap ng Brigada News FM Naga si Blandina Capistrano, BHW ng Concepcion Grande nabanggit niya na sa kabila ng mga nutrition programa nila sa barangay, may mga batang malnourish pa rin, kulang sa timbang at sakitin.

Ang pinakadahilan ay kulang sa pagkain, hindi kompleto ang mga bitaminang dapat na makuha ng kanilang murang katawan para maging malusog, dahil na rin ito sa kakulangan ng sustento ng mga magulang lalo pa at kung maraming mga anak.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Magkagayun man, hindi sila tumitigil para malabanan ang malnutrisyon ng mga batang nasa lugar nila. Nutrition Month ngayon kaya mas paiigitngin pa ang city government ang mga programa pang kalusugan sa mga bata lalo na iyong mga sakitin.