6 na LGUs sa Albay, nakatanggap ng health commodities at logistics mula sa WHO

LEGAZPI CITY – Nakatanggap na ang anim na Local Government Units (LGUs) sa Albay ng health commodities at logistics mula sa World Health Organization (WHO).

Ayon kay Department of Health (DOH) Bicol Regional Director Ernie Vera, , ang mga ibinigay na health commodities at logistics ay dumaan sa inspeksyon upang masiguro ang kalidad ng mga collapsible water containers o jerry cans, surgical masks, pati na rin ang N95 at KN95 masks.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Aniya, agad namang naipamigay ang mga nasabing commodities sa mga LGUs matapos matiyak na pumasa sa inspeksyon ang mga ito.

Ang mga ipinamigay na mga kagamitan ay para sa mga apektadong pamilya ng Bulkang Mayon na nasa evacuation centers.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Sinabi pa ni Vera, nakipag-ugnayan din ang tanggapan sa mga LGU ng Malilipot at Tabaco City upang ipamahagi ang mga commodities sa mga bakwit ng San Antonio Evacuation Camp sa Tabaco at San Jose Evacuation Camp sa Malilipot.

Patuloy na nagpapaalala ang kagawaran na manatiling kalmado at sundin ang mga emergency safety tips upang maiwasan ang anumang panganib na dulot ng pagputok ng bulkan.