Pangulong Marcos – pinamamadali na sa MARINA at CHED ang mga hakbang para sa upskilling ng mga Filipino seafarers

Tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos na magpapatuloy ang mga hakbang para sa pagpapabuti ng mga ‘maritime-related policies’ ng administrasyon para masiguro ang kapakanan ng mga Filipino seafarers at ang mga naiwang pamilya nila rito sa Pilipinas.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Sa talumpati ng Pangulo sa ‘Shaping the Future of Shipping-Seafarer 2050’, idiniin niya ang kahalagahan ng pagpapalakas ng shipping industry, at ang pag-adopt sa mga makabagong teknolohiya.

Ito raw ay makakamit sa pamamagitan ng upskilling ng mga seafarers, pati na rin ang pagpapalawig ng kanilang education at training requirements.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Muli naman niyang inatasan ang MARINA at Commission on Higher Education (CHEd) para magtulungan sa upskilling and reskilling ng mga Filipino seafarers.