Road Widening sa Barangay Plaridel sa bayan ng Jose Panganiban tinatapos na; Homeowners nakiisa sa proyekto ng LGU

CAMARINES NORTE- Nagsasagawa ng Road Network sa barangay Plaridel sa kahabaan ng Diego Silang Street sa bayan ng Jose Panganiban kasabay ng pag ayos sa kanilang Drainage Canal.

Nakilahok ang mga residente sa nasabing barangay sa LGU – JOSE Panganiban sa pagpapaganda ng kanilang kalsada kahit na alam ng mga ito na maaapektuhan ang kanilang mga bakuran.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Kaugnay dito, tiwala sila na mas mapapaganda at mas magiging accessible ang kanilang lugar kaya naman agad silang pumayag sa nasabing proyekto.

Ayon sa Municipal Engineering Office, makakatulong umano ang pagsasa-ayos ng Drainage Canal para maiwasan ang pagbaha sa kahabaan ng Diego Silang Street dahil nakabase sa international standard ang mga materyales na gagamitin para sa konstruksyon ng kanal.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Ikinatuwa naman ng mga residente at ng barangay council ang isinasagawang Road Widening at Construction ng Drainage Canal dahil kasama sa priority infrastructure programs ang Barangay Plaridel sa bayan ng Jose Panganiban.