Econ-solon, tinawag na ‘outstanding’ ang trabaho ni outgoing BSP Gov. Medalla

Kinilala ni economist-lawmaker Albay Rep. Joey Salceda ang mga naging ambag ni outgoing Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe Medalla sa bansa.

Ito ay makaraang pangalanan na ng Palasyo ang papalit kay Medalla na si Eli Remolona.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Pinsalamatan ni Salceda ang ‘outstanding’ na trabaho ni Medalla sa Central Bank.

Aniya, naging ‘extremely successful’ ang paghawak ng outgoing governor sa BSP lalo na sa mga desisyon nito sa pananalapi ng bansa pagdating sa iba’t ibang financial challenges.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Nasubukan din daw ang katatagan nito sa gitna ng iba’t ibang uncertainties sa global market, at ang sunud-sunod na Fed hikes sa international finance world.

Umaasa naman ang mambabatas sa kakahayan ni Remolona na mag-uumpisa na sa susunod na buwan. //LGD, edited MHEL PACIA