Senate panel, pinagpapaliwanag na ang CAAP re: Monitoring sa mga airline industries

Hinihingan na rin ng paliwanag ni Senate Public Services Committee chairperson Senadora Grace Poe ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Ito ay hingil sa ginagawa nitong monitoring sa mga airline companies sa bansa, matapos ang sunud-sunod na reklamo ng overbooking, cancellation, at iba pang isyu ng Cebu Pacific.

Read More:  Marcos calls West Philippine Sea defense a modern form of heroism

Ayon kay Poe, dapat ay magsumite ng written report ang CAAP at ang Civil Aeronautics Board (CAB).

Para sa CAB, dapat ay magpaliwanag ito kung bakit hindi nila napananagot ang mga airline companies matapos ang serye ng perwisyo sa mga airline passengers.

Read More:  VP Sara Duterte posts bail after grave threats arrest warrant

Pinatitiyak naman ni Poe sa CAAP na dapat ay mayroon itong mga measures para sa monitoring sa maintenance ng mga airlines, at mga contingency plans hinggil sa nabanggit na supply chain issues.