2 anak ni Napoles, idinawit ni Benhur Luy sa pagpirma umano ng fake docs re: PDAF scam

Idinawit ni Pork barrel scam whistleblower Benhur Luy ang dalawang anak ni Janet Lim Napoles sa pamemeke umano ng liquidation documents para sa mga ghost projects gamit ang Priority Development Assistant Funds o PDAF ni dating senador at ngayo’y Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Sinabi ni Luy na kasama niya sina Jo Christine at James Christopher Napoles sa pagpirma ng mga dokumento kasama ang iba pa niyang pinangalanan na sina Mary Arlene Baltazar at Merlina Suñas.

Aniya, ang practice sa Janet Lim Napoles Corporation ay ang pamemeke ng mga pirma sa liquidation documents sa sandaling mailabas ang mga tseke sa mga non-government organization.

Read More:  Marcoleta transferred to Quezon City Jail after hospital clearance

Idinawit ni Luy ang mga naturang indibidwal sa paglilitis sa 15 graft cases nina Enrile at Napoles kung saan sumalang ito sa cross-examination ng prosekusyon. //AC