DONGYAN is back!”
Masayang inanunsyo ng mag asawang aktres at aktor na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes kasama ang director na si Mae Cruz Alviar sa “New Movie Alert” noong Miyerkules, June 21, 2023, na naka-upload sa ABS-CBN Star Cinema YouTube ang muling pagsasama sa isang pelikula ng mag asawa.
Pagbibidahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang family drama film na rewind, sa ilalim ng pinagsanib puwersang kolaborasyon ng ABS-CBN Film Production Inc.’s Star Cinema, APT Entertainment at AgostoDos Picture sa direksyon ni Mae Cruz Alviar.
Matatandang taong 2010 pa ang huling pelikulang pinagsamahan nina Marian at Dingdong ang You To Me Are Everything, kaya hindi nila mapigilan ang saya at excitement na muling mag-pakilig sa kanilang mga tagahanga.
Kwento ni Marian matagal na niyang pangarap ang makasama ang kanyang asawa sa isang pelikula kaya naman isang malaking katuparan ito lalo’t star cinema pa ang mag-poproduce.
Aniya “Sobrang excited ako maka-work ang star cinema at the same time, si Direk Mae”
Ayon kay Direk Mae, taong 2020 pa nakaplano ang muling pagsasama at pagbibida ng mag asawa ngunit dahil sa pandemya ay hindi raw ito natuloy.
Wala pang ibang nilabas na detalye kung sino-sino makakasama nina Marian At Dingdong sa pelikula at petsa kung kailan ito ipapalabas.###JONA GALLEGO, Intern