Halos 500k na mga botante para sa BSKE, iniimbestigahan- COMELEC

Umabot ng 498,000 na mga pangalan ng mga botante na nagparehistro para sa Barangay at SK elections, ang iniimbestigahan ng Commission on Elections.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Sa bilang na ito, sinabi ni Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, na 120,000 ang nakitang may double registration.

Karamihan sa mga ito ay lumipat na ng tirahan at hindi nabura ang dati o luma nilang rehistrasyon.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Ayon kay Laudiangco, ang mga mapapatunayang sinadya na doble ang kanilang rehistro ay sasampahan ng kaso at maaaring makulong ng anim na taon at perpetual disqualification sa anumang pwesto sa gobyerno. // AC