166 na unang benepisyaryo ng pambansang pabahay para sa pilipino program sa Naga City natanggap na ang certificate of residential condominium unit allocation

NAGA CITY – Isinabay sa pagdiriwang ng ika 75th  Diamond Jubilee Charter Anniversary ng Naga City ang pamimigay ng Certificate of Residential Condominium Unit Allocation sa 166 na unang mga benepisyaryo.

Sila ang nakakatiyak ng mag-ookopa sa The Legacy Residences, sa Barangay Balatas sa  itatayong low-cost condominium project ng National Government.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Bukod sa bilang na ito, sinabi ni City Mayor Nelson Legacion na may mga susunod pa, sakaling ma-kompleto na ng mga aplikante ang mga requirements na hinihingi sa kanila ng Department of Human Settlements and Urban Development DHSUD at ng  PAGIBIG Fund.

Sa pahayag sa BNFM Naga ng Alkalde, napag-alaman na mahigit tatlong libo ang mga nagsumite ng aplikasyon para makapag-avail ng low-cost housing na ito mula sa mga empleyado, pribado man o pang-gobyerno.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Masuwerte aniya ang mga makakapag avail ng programa dahil sa malalagay sila sa lugar na kompleto lahat sa kanilang pangangailangan.

Ang pagpapatayo ng naturang housing projects ay nasa proseso na rin.