Share ng turismo sa ekonomiya ng PH, mas tumaas pa noong 2022

Mas lumaki pa ang kontribusyon ng turismo sa ekonomiya ng Pilipinas ngayong 2022 sa gitna ng muling pagbubukas ng domestic at international borders kasabay ng pagrekober ng mundo sa COVID-19 pandemic.

Batay sa Philippine Statistics Authority, ang direct gross value added (TDGVA) ng turismo sa gross domestic product (GDP) ng Pilipinas ay nasa 6.2%.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Mas mataas ito sa 5.2% TDGVA noong 2021.

Mababatid na nasa halagang P1.38 trillion ang share ng turismo sa 2022 GDP, na 36.9% na mas mataas mula sa P1 trillion noong 2021.

Read More:  Malacañang distances itself from US campaign against ICC

Maliban dito, tumaas din ang employment sa tourism industries noong nakaraang taon sa 5.35 million, mula sa 4.9 million noong 2021. //SM, edited MHEL PACIA