Kick-off sa pagdiriwang ng Arbor Day sa bayan ng Daet, pinangunahan ng Municipal Environment And Natural Resources Office

CAMARINES NORTE- Pinangunahan ng Municipal Environment and Natural Resources Office ng bayan ng Daet ang Kick-off para sa pagdiriwang ng Arbor Day ngayong buwan ng Hunyo

Ang Arbor Day ay isang araw na nakatuon sa pagtatanim ng mga puno na ipinagdiriwang sa iba’t ibang petsa sa iba’t-ibang bansa at rehiyon sa buong mundo.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Sa Pilipinas, ang Arbor Day ay ipinagdiriwang tuwing ika-25 ng Hunyo 2023 kung saan ang MENRO Daet ay nagsagawa ng tree planting event sa Purok. 5, Brgy. Calasgasan, Daet Camarines Norte.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Ang nasabing aktibidad ay nilahukan ng ilang organisasyon at ahensya kabilang na ang Daet District Jail, LGBTQIA+, Brgy Officials, at Daet MPS kung saan may kabuuang 70 puno ng mahogany ang itinanim sa lugar.