BIR balik  na sa normal operation bukas, June 13

CAMARINES NORTE- Balik na sa normal operation, bukas June 13 ang mga opisina ng Bureau of Internal Revenue sa buong bansa.

Ito ay makaraang magkaroon ng pagkabalam ng serbisyo noong Biyernes, June 9 dahil sa training on frontline service, ethics and accountability mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon sa pamamagitan ng nationwide zoom meeting.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Dahil sa naturang training limitado lang sa verification at pagkuha ng clearance para sa scholarship ang transaction sa BIR sa nabanggit na araw.

Walang transaksyon para sa business registration, TIN issuance at ATP books.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ayon kay Assistant Revenue District Officer Daisy De leon ang ginawang training sa mga nasa frontline service ay bahagi ng paghahanda ng ahensiya sa full digitalization at application ng BIR RDO 64 sa ISO.

Ito ay upang mas mapabuti rin umano ang serbisyo ng opisina sa mga taxpayers.