Panic buying nangyari bago ang MECQ sa Naga City

NAGA CITY- Mahaba ang pila sa mga grocery sections, mabigat ang daloy ng trapiko, mahaba ang pila sa mga bangko at ATM machines.Ito ang naaobserbahan sa Naga City, hapon hanggang gabi nitong Hunyo 15, 2021 o bago ang pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ sa lungsod.

Read More:  Mayon gas emissions reach 26-year high, raising risk of explosive activity

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Coun. Joe Perez ng Price Coordinating Council, sinabi nitong nakarating sa kanila ang naturang sitwasyon na nagkataon pang araw ng sweldo.

Marahil marami aniya ang nangamba sa pagbigat ng quarantine qualification ng Naga.Paliwanag nito, walang rason upang mag panic buying. Una , normal ang supply at pagbaba ng supply sa merkado.

Read More:  Rescued Philippine eagle survives critical injuries in Bukidnon as experts find airgun pellets

Pangalawa nasa Price Freeze pa rin alinsunod sa Presidential Proclamation.Umaasa ang opisyal na kayang mapababa ang COVID cases sa pamamagitan ng istriktong pagpapasunod ng Executive Order 2021-014 o mga panuntunan sa MECQ.