Albay, nakapagtala ng 8 kaso ng COVID-19

LEGAZPI CITY – Muli na namang nakapagtala ng panibagong kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Albay ayon sa Department of Health (DOH) Bicol.

Sa datos nito, walo ang kabuuang bilang ng mga naitalang kaso, kung saan tatlo ang naitala sa Legazpi City, habang pawang tig-iisa sa Daraga, Libon, Malilipot, Tabaco City at Tiwi.

Read More:  ₱1.2M worth of fake food seasoning voluntarily surrendered in Bacolod

Wala namang naiulat na bagong paggaling o pagkasawi dahil sa nasabing sakit.

Read More:  Senior Citizens in Gensan find fun, fitness in Pickleball

Patuloy pa rin na paalala ng DOH Bicol na palaging sundin ang mga ipinatutupad na health protocols at magpabakuna upang maiwasan na ang pagkalat ng nasabing sakit.