Mga piloto, pinayuhan umiwas sa Taal, Mayon dahil sa ipinapakitang abnormalidad

Pinapayuhan ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP ang mga piloto na huwag lumapit o dumikit sa Bulkang Taal at Mayon.

Naglabas ng  Notice to Airmen ang CAAP kaugnay ng pagtaas ng alerto sa dalawang bulkan dahil sa ipinapakitang abnormalidad  nito.

Read More:  Cendana seeks more mental health funds after Ateneo shooting

Sa naturang abiso, pinapayuhan ang mga piloto na huwag lumapit ng hanggang 10,000 feet mula sa tuktok nito dahil mapanganib sa mga eroplano at anumang sasakyang panghihimpapawid ang ibinubuga nitong abo.

Read More:  Marcos urges Filipinos to protect democracy on Ninoy Aquino Day

Sa ngayon ang Bulkang Mayon ay nasa alert level 2 habang ang Taal Volcano ay nasa alert level 1. // CA, edited MHEL PACIA