19 katao patay sa landslide sa China

Labing siyam katao ang patay habang lima naman ang sugatan sa pagguho ng lupa sa isang mining company’s dormitory sa Yongsheng township sa Leshan county sa lalawigan ng Sichuan sa China.

Read More:  Philippines, Canada aim to conclude free trade agreement this year

Ayon sa ulat ng China Central Television, ang mga biktima ay pawang mga manggagawa sa Jinkaiyuan mining company.

Ilang linggo na raw nakararanas ng pag-ulan ang lugar na dahilan ng landslide.

Read More:  Venezuela earthquake death toll nears 1,500

Nagpapatuloy pa ang search and rescue operation ng mga awtoridad para makuha o mahanap ang iba pang natabunan ng mga debris sa nangyaring landslide.//CA