Ama nataga-patay ng sariling anak sa Camarines Sur

CAMARINES SUR-Patay ang isang padre de pamilya matapos na tagain ng sariling anak sa Sagñay, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si  Jerry Clerigo y Montañez, 54-anyos  habang ang suspek ay ang 26-anyos na anak na si Jessie, mga residente ng Sitio Dolom, Brgy Kilomaon.

Read More:  Rare wildlife recorded by camera traps in Mt. Apo Natural Park

Sa ulat ng PNP bandang hating gabi nitong Hunyo 3, 2023 nang magkaroon ng argumento sa pagitan ng mag-ama habang nasa impluwensya ng alak ang anak. Kumuha ng itak ang suspek at pinagtataga sa iba’t-ibang parte ng katawan ang ama na nagresulta sa kamatayan.

Ayon kay  PCpt. Mark Spaña ang Deputy Chief of Police ng Sangay PNP, ilang beses nang pinagsabihan ng ama ang anak na maghanapbuhay upang mayroong pagastos araw-araw kasama ang kaniyang live-in partner na ikinasama ng loob ng suspek.

Read More:  Student rider dies after motorcycle crash along national highway in Gensan

Sa pagresponde ng mga otoridad, sumuko ang suspek at nagsisi sa nagawa niya sa kaniyang ama.

Mahaharap ito sa kasong Parricide.