Travel agency sa QC, pinasara ng DMW

Isang  travel consultancy agency ang ipinasara ng Department of Migrant Workers sa Quezon City dahil sa umano’y illegal recruitment activities.

Mismong si Migrant Workers Sec. Susan Ople ang nanguna sa operasyon laban sa OVM Visa Assistance and Travel Consultancy sa bgy. Pasong Tamo.

Read More:  PNP says it will arrest Bato dela Rosa if he appears at impeachment trial

Ayon pa kay Sec. Ople, permanente na nilang ipinasara ang establismento matapos matuklasan sa imbestigasyon nito na nag-aalok ito ng trabaho sa Poland at Malta pero sa sobrang haba ng panahon ay hindi pa rin maka alis ang mga biktima.

Read More:  Ex-Lawmaker Defensor: I’m ready to face possible charges

Ito ay kahit nakapagbayad na ang mga ito ng daan-daang libo na ayon kay Ople, ay labis-labis.

Nakatakdang magsampa ng kasong illegal recruitment ang DMW laban sa may-ari ng kumpanya at mga empleyado nito.//CA