Albay PHO, nanawagan na magpabakuna pa rin, sa kabila ng pahayag ng world health organization na lifted na ang COVID-19 emergency

Nananawagan ang Albay Provincial Health Office (PHO) sa publiko na magpabakuna pa rin ang mga ito sa kabila ng pag-lift ng World Health Organization (WHO) sa COVID-19 emergency.

Ayon kay PHO Chief, Dr. Estela Zenit, ang panawagang ito ay dahil mayroon pa ring mga bagong naitatalang kaso sa Albay.

Read More:  LTO probes alleged drag racing on public road in Cebu

Aniya, bagama’t tinanggal na ng WHO sa Public Health Emergency of International Concern (PHEIC) ang COVID-19 pandemic, hinihikayat pa rin na kumuha ng COVID-19 jabs ang mga Albayano.

Mayroon pa rin umano kasing posibilidad ng mga banta kung hindi susundin ng mga tao ang pinakamababang pamantayan sa kalusugan.

Read More:  31 arrested in Bohol investment, romance scam raids

Makakatulong umano ito kahit papaano na mapababa ang mga naitalang kaso.

Ayon pa kay Zenit, kung mayroon mang nais na makapagpabakuna ng COVID-19 jabs, ang bakunang Sinovac ang tanging magagamit na shot sa kanilang opisina para sa mga walk-in.