Jake Zyrus, magpapahinga muna raw sa social media

Ilang linggo raw magpapahinga sa paggamit ng social media ang singer na si Jake Zyrus.

Sa kanyang Instagram post, inanunsyo ni Jake ang kanyang break sa social media dahil nais niya muna raw pagtuunan ng pansin ang kanyang mental health.

Read More:  Meryll Soriano hopes Willie Revillame’s movie comeback pushes through

Mayroon daw kasing puwersa na nais siyang warakin kaya kailangan niyang bumuwelta sa pamamagitan ng pagpapagaling.

Alam daw ni Jake na mahirap ang kanyang susuungin pero makakatulong daw ito nang malaki sa kanya.

Read More:  Jane de Leon, Louise delos Reyes turn heads with stunning new looks

Ang huling nabalitaan ng publiko tungkol sa singer ay ang kuwento tungkol sa pagkairita nito sa mga taong patuloy na binubuhay si Charice Pempengco.

Si Charice ang dating katauhan ni Jake bago siya nag-come out bilang isang trans man.//CA