19 na estudyante patay sa sunog sa Guyana

Labing siyam na estudyante ang patay sa naganap na sunog sa isang dormitoryo sa Guyana.

Sa ulat ng local police, isa rin estudyante ang pinaghihinalaang nagsimula ng sunog matapos umanong kumpiskahin ng guro ang gamit niyang cellphone nitong Martes.

Read More:  Venezuela earthquake death toll climbs to nearly 4,500

Pinakabata sa mga nasawi ay limang taong gulang na anak ng caretaker ng dorm.

Samantalang halos 30 iba pang mga bata ang dinala sa ospital.

Read More:  At least 27 killed after Fire engulfs beer hall in Thailand

Nagpapatuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. Hindi naman tiyak kung nasa kostodiya ngayon ng gobyerno ang bata.

Nagdeklara na ng tatlong araw na national mourning ang pamahalaan dahil sa insidente.//CA