World Bank -Undernutrition, isa sa problema sa PH

Inihayag sa bagong report ng World Bank na ang diet umano ng average Filipino ay hindi nagbibigay ng optimal nutrition.

Batay sa kanilang datos noong 2015, sinabi ng World Bank na ang healthy diet ay nagkakahalaga sa P68 per adult araw-araw, pero ang average ng Filipino household ay gumagastos lang ng P48 para sa bawat adult, araw-araw.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Pagbabahagi ni World Bank senior nutrition specialist Nkosinathi Mbuya, karamihan sa households ay nagko-consume ng 59% na starchy staples gaya ng kanin, kumpara sa recommended amount.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Dagdag ni Mbuya, kumakain ang mga Pilipino ng mas maraming gulay at prutas, kumpara sa inirerekomenda.

Samantala, iminungkahi ng World Bank na palakasin ang agriculture production, lalo na para sa pagpapaganda sa dietary diversity sa bansa. // MHEL PACIA-TRINIDAD