BANGGAAN NG MOTORSIKLO AT SUV SA NAGUILIAN, ISABELA, ISA-PATAY

Patay ang 31-anyos na lalaki matapos mabangga ang minamanehong motorsilklo sa isang SUV sa Barangay Palattao, Naguilian, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, kinilala ang biktima na si Marlon Manuel, 31-anyos habang kinilala naman ang drayber ng SUV na si Danilo David, 62-anyos.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Lumalabas sa imbestigasyon ng Naguilian Police Station nan ang mag-overtake umano si Manuel ay hindi nito napansin ang papasok na SUV na nagresulta upang masalpok ito.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Nagawa pang idala sa pagamutan si Manuel ngunit idineklara ring dead on arrival ng kaniyang attending physician matapos magtamo ito ng matinding head injury.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil dito.