Lalaki arestado sa kabiguang magtestigo bilang saksi sa korte

SORSOGON CITY – Arestado ang isang 57-anyos na magsasaka makaraang hainan ito ng kanyang warrant of arrest sa Brgy Ariman, Gubat, Sorsogon.

Inaresto ng mga personahe ng Gubat Police si Jesus Estolonio, may asawa, residente ng Sitio Tanke ng nasabing barangay.

Read More:  Student dies after lightning strike during hike at Mt. Sayao in Biliran

Ang pag-aresto ay sa bisa ng arrest order na ipinalbas ng RTC 5th Judicial Region Br 54 dahil sa kabiguan nitong tumestigo bilang saksi sa isang criminal case para sa paglabag sa PD 705 o Forestry Code of the Phils.

Read More:  Basketball game in Cebu turns deadly: 2 cousins killed in stabbing

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa temporaryong kalayaan ng akusado.