No. 1 most wanted sa Irosin arestado sa Pampanga

SORSOGON CITY – Arestado na ang No. 1 most wanted person ng Irosin, Sorsogon matapos ang ginawang operasyon dito sa lalawigan ng Pampanga.

Nakilala ang akusado na si Jose Ison Fresado Jr alias ‘Kudol,’ 23-anyos at naninirahan sa Brgy Sto Domingo ng nasabing bayan.

Read More:  Tricycle driver shot dead in broad daylight by riding-in-tandem gunmen in Cebu

Ayon sa pulisya, si Fresado ay may warrant of arrest sa kasong rape.

Natunton ng tracker team ng Irosin Police ang lokasyon nito sa Brgy Pansinao, Candaba, Pampanga.

Ang kaso ni Fresado ay nag-ugat noong 2019 kung saan pinagsamantalahan nito ang isang16-anyos na biktima na may binili lamang sa tindahan. Hinarang ito ng suspek at hinila, hawak ang buhok sa isang masukal na lugar at dito na hinalay ang menor-de-edad.

Read More:  19 Badjao rescued after flood traps group beneath Iloilo bridge

Ang arrest order ay ipinalabas ng RTC Br 55 na walang itinakdang piyansa.