Galvez, umapela sa Senado na maghanap ng middle ground sa reporma sa pension ng MUP

Umapela sa Senado si Defense officer-in-charge Carlito Galvez na maghanap ng middle ground sa panukalang reporma sa pension ng military at uniformed personnel.

Ibinunyag ni Galvez , na 70 hanggang 80 porsiyento ng mga enlisted personnel ng Armed Forces of the Philippines na gustong mag-avail ng maagang retirement ang nangangamba sa nasabing panukala.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Sa ilalim ng kasalukuyang MUP pension system, ang mga sundalo na nakapag-serbisyo na ng 20 taon ay maaring kumuha ng early retirement.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Nauna nang nanindigan si Galvez na ‘very much concerned’ si Pangulong Bongbong Marcos sa mga posibleng impact ng mga reporma sa pensyon ng MUP sa bansa.

Pinangangambahan daw ng Pangulo na maaapektuhan ng morale at welfare ng mga sundalo’t pulis sa oras na pakialaman pa ang kanilang pensiyon.//CA