Marcos, ikinokonsidera ang pag-gamit ng nuclear energy vs power woes

Ikinokonsidera ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang posibilidad na i-tap ang nuclear energy para mapigilan ang posibleng power crisis sa bansa, at para matugunan ang electricity requirement ng mga Pilipino.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), na sinabi umano ni Marcos na bago pa man ito maging presidente ay pinag-iisipan na nitong gawing option ang nuclear energy, para matugunan ang problema sa kuryente sa bansa.

Read More:  Focus crimes drop 29.75% nationwide in third quarter – PNP

Nabatid na kamakailan sa kanyang official visit sa United States, inihayag ng pangulo na plano nito ang pagkakaroon ng “cutting-edge” sa micro nuclear fuel technology bilang bahagi ng mga hakbang ng administrasyon na maresolba ang power crisis.

Habang nasa Washington, nakipagpulong si Marcos sa mga opisyal ng Ultra Safe Nuclear Corp. (USNC), na siyang US-based firm global leader at vertical integrator ng nuclear technologies at services.

Read More:  Fake PWD ID users estimated at 8.5 million — NCDA

Kaugnay nito, nagpahayag ang mga opisyal ng USNC ng interest ng pagbibigay ng malinis at maaasahang nuclear energy sa Pilipinas, kasabay ng paglalarawan na ang naturang hakbang ay sobrang mahalagang paraan para sa lahat na pumasok sa market. //MHEL PACIA